top of page
Writer's pictureThe Lannang Archives

Iwasan ang malas ngayong Ghost Month

Updated: Oct 27, 2021

May-akda: Sharmaine Ibarra

Mga editor: Belinda Tan; Gaby Flores; Louward Zubiri

(Wika/Language: Manila variety of Filipino)


Image from Pixabay.com, no changes were made


Nag-umpisa na ang ghost month, at kambal na pagsabog sa Jolo ang bumulaga sa Pilipinas. Patunay ba ito ng kamalasang hatid ng ghost month? Magbalik-tanaw tayo sa ilang trahedyang nangyari sa Pilipinas.


Umpisahan natin sa Manila hostage crisis noong 2010. Sunod naman ang daan-daang taong natupok ng buhay sa Payatas noong 2000, at ang tinaguriang killer earthquake noong 1990 sa Baguio na kumitil nang tinatayang 1,000 tao. Lahat ng trahedyang ‘yan nangyari sa panahon ng ghost month


Siguradong nakaramdam ka ng kilabot pero huwag mangamba dahil maaari namang maiwasan ang kamalasan ngayong ghost month. Bago malaman kung paano, alamin muna natin kung ano nga ba ang ghost month. Bakit nga ba mahalaga ito sa Lannang community?


Ano nga ba ang ghost month o ghost festival?

Image from wallpaperflare.com, no changes were made


Ang ghost month o Zhongyuan Festival ay karaniwang nag-uumpisa tuwing 15th day ng 7th lunar month. Nag-umpisa ang nasabing kaganapan ngayong taon nitong nakaraang August 19 at magpapatuloy hanggang September 16. Pinaniniwalaang sinasamantala ng mga kaluluwa ang panahong ito para bumisita sa kani-kanilang pamilya sa mundo ng mga mortal dahil bukas ang hell’s gate. Ang mga ligaw na kaluluwa naman ay nagpapagala-gala sa lansangan at posibleng magdala ng kamalasan o trahedya sa mga taong mababa ang chi energy.


Pinaniniwalaang nag-umpisa noong 5th century ang kaugaliang ito kasunod ng paglaganap ng relihiyong Budismo sa China. May katotohanan man o hindi ang kamalasang hatid ng buwang ito, marami ang minamabuting mag-ingat.


Paano maiiwasan ang malas tuwing ghost month?


Huwag matakot dahil puwede ring maghatid ng suwerte ang ghost month. Mayroon ding tips ang ilang Feng shui experts para makontra ang kamalasan sa panahong ito. 


Magsunog ng perang papel

Image from wikipedia.com, no changes were made


Huwag kayong malilito! Ang sinusunog na perang papel tuwing ghost month ay ang joss paper o spirit money lamang. Maari itong mabili sa ilang tindahan sa Binondo, Maynila o sa online shop gaya ng Lazada. Sa exclusive online interview ng Manila Bulletin kay Feng Shui Master Hanz Cua, sinabi niyang posibleng maghatid ng swerte ang mga kaluluwa kung mapapasaya ang mga ito. Isa sa nabanggit niyang paraan ay ang pagsusunog ng joss paper. Depende sa rami ng joss paper na masusunog, ganoon din ang rami ng suwerte na maari mong matanggap. 


Mag-alay ng pagkain 

Image from wikipedia.com, no changes were made


Make hungry ghosts happy!


Ang ghost month ay tinatawag ding Hungry Ghost Festival. Kaya naman isa pang paraan para mapasaya ang mga hungry soul ay ang pag-aalay ng pagkain! Ayon kay Cua, ang alay ay maaaring putaheng may karne ng baboy at manok. Puwede rin mag-alay ng sigarilyo, alak, softdrinks at iba pang inumin. 


Don’t worry dahil hindi naman masasayang ang alay dahil kapag naupos na ang kandila o insenso, maaari nang kainin ang mga ito. Huwag ding kalimutang magpalit ng pinggan.


Magsuot ng matitingkad na kulay at panatilihing maaliwalas ang loob ng bahay

Image from wallpaperflare.com, no changes were made


Para makaiwas sa malas, dapat laging good vibes!

Maa-achieve ‘yan sa pamamagitan ng pagsusuot ng matitingkad na kulay ng damit, ayon kay Feng Shui expert Marites Allen sa kaniyang pahayag sa CNN Philippines. Dagdag pa niya, dapat panatilihing maaliwalas ang loob ng bahay sa pamamagitan ng tamang ventilation.


Iwasan ang pamamasyal 

Image from pikist.com, no changes were made


Ngayong panahon ng pandemic, ‘di ito mahirap gawin. Pero bakit nga ba masamang gumala kapag ghost month?


Batay sa World of Feng Shui.com, pinaniniwalaang nakaabang ang mga ligaw na kaluluwa ng makukuhang kaluluwa bilang kapalit ng kanilang pagkabuhay. Ito ang dahilan kung bakit umano’y nagkakaroon ng aksidente gaya ng lunod o banggaan. 

Mas mainam din kung hindi lalabas ng bahay ang mga bata at matatanda pagsapit ng dilim. Dahil pinaniniwalaan silang madaling kapitan or lapitan ng mga ligaw na kaluluwa.


Huwag magpakasal, magsimula ng negosyo o maglipat ng bahay

Image from maxpixel.com, no changes were made


Kung ayaw niyo ng wedding crasher sa inyong kasal, huwag magpakasal sa panahon ng ghost month. Ayon kay Allen, ang pagdaos ng mahahalagang kaganapan sa buhay gaya ng kasal, lipat-bahay at pagbubukas ng negosyo ay posibleng mag-imbita ng ligaw na kaluluwa at magresulta ng kamalasan.


Huwag patayin ang bumibisitang paru-paro

Image from wikipedia.com, no changes were made


“Dumadalaw si lolo/lola!”

Ito ang kasabihan na posibleng nakuha natin sa mga Chinese at mga ibang Lannang. Ayon kay Allen, huwag patayin ang mga kakaibang insekto gaya ng paru-paro at gamu-gamo lalo na ngayong ghost month. Posible raw kasi na ispiritu ito ng yumao nating kamag-anak at dumadalaw lamang sa bahay.


Huwag pumunta sa sementeryo at ospital

Image from bomboradyo.com, no changes were made


Ang mga lugar gaya ng sementeryo, ospital o punirarya ay mayroong mataas na yin o negative energy. Ayon kay Allen, kung hindi maiiwasan na pumunta sa mga lugar na ito ay dapat magsuot ng protective charm na nauukol.


Huwag matulog sa harap ng salamin

Image from staticflickr.com, no changes were made


Narinig mo na ba ang kasabihang “A mirror is a soul stealer”?


Parang pelikula lang, ‘di ba? Pero batay sa feng shui, malas talaga ito! Kaya naman mabuting alisin ang salamin sa harap ng inyong kama kapag natutulog lalo pa’t maraming nakaantabay na kaluluwa sa mga katawan ng buhay.


-----------------------

About the author

Sharmaine Ibarra is currently a Korean government scholar pursuing Master's degree in Film at Dongseo University - Busan, South Korea. For 4 years, she worked as a Program Researcher and News Script Producer for several newscasts in GMA Network, including 24 Oras, Unang Hirit and Saksi. She is always fascinated about world culture. Being part of The Lannang Archives did not only make her interested about the unique Lannang heritage in the Philippines, it also made her want to conserve and share it.



1,213 views0 comments

Comments


bottom of page